226
Duterte magre-resign kapag tumakbo si Pulong na House Speaker
May 28, 2019 @ 17:25
By

Duterte magre-resign kapag tumakbo si Pulong na House Speaker

Bababa umano sa kanyang puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbo ang anak niyang si Davao City congressman-elect Paolo “Pulong” Duterte sa pagka-House Speaker.

“Itong si Paolo, sinabi ko sa kanya, if you run for speakership, let me know. Kasi kung tatakbo ka, magre-resign ako,” anang Pangulo sa oath-taking ng ilang government official sa Malacañang Palace.

Sa kabila nito, nananatili umano siyang neutral sa isyu ng House speakership pero inamin na ilang kandidato ang lumapit sa kanya bago ang May 13 midterm elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?