117
Mga pulis, PDEA makikiisa sa Brigada Eskwela
By

Duterte magpapadala ng pulis sa mga bansang may OFWs

Para masiguro ang kaligtasan at agad maalalayan ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa ibang bansa, magtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga police attache’ sa mga embahada at konsulado.

Sa kanyang pagharap sa mga overseas Filipino worker sa Kampo Aguinaldo Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga OFW kaya magpapadala ito ng mga pulis sa ibang bansa.

Mayroon aniyang Global Police Community Relations Program ang gobyerno at gagamitin niya ito para makapagtalaga ng mga pulis sa ibang bansang mayroong OFWs.

“We have our Global Police Community Relations Program — isakay ko na lang ‘yun doon ‘yung mga pulis na ma-assign ko for every country. May military tayo. Dagdagan ko, police attache’ abroad — about the government’s current security policies and programs, but also to report incidents and crimes to Philippine authorities kaagad,” anang Pangulo.

Magiging papel aniya ng police attache ay maalalayan ang mga OFW na mangangailangan ng tulong lalo na kapag nakakaranas ng legal na problema sa amo o kaya ay may problema ang pamilya na naiwan sa Pilipinas.

“The Police attache’ will connect you to — dito sa Pilipinas kung ano ang problema. And they will be trained to help you in legal matters of how to do in the meantime that you are not here to solve the problem,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na masakit sa loob niya na walang nagawa para sa mga OFW na nakaranas ng kalupitan at nakasilid na lang sa kabaong na uuwi sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?