19

Nov 23, 2020 @ 16:18
By

Duterte magmemensahe ngayong Lunes

Inaasahang muling haharap si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko mamayang Lunes ng gabi para sa kanyang regular na mensahe sa bayan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na gagawin ang “talk to the people” ng Pangulo sa Davao City pagkatapos ng kanyang pulong sa ilang miyembro ng Gabinete.

“Iyong nakaugalian na pong talk to the people ay gagawin po sa Davao. Yung aming pagpupulong po ay maaga ngayon–5:30 in the afternoon,” ani Roque.

Inaasahang tatalakayin ng Pangulo ang mga ginagawa ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID pandemic at ang paghahanda para sa bibilhing COVID vaccine.

Hindi naman masabi ng kalihim kung may iba pang isyung tatalakayin ang Presidente sa kanyang talk to the people.

Matatandaang ilang linggo nang nag-aanunsiyo ng mga pangalan ng corrupt official na nasuspinde at nasibak sa serbisyo si Duterte bilang babala na rin sa iba pang kawani at opisyal ng gobyerno na gumagawa ng katiwalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?