21

Jul 2, 2020 @ 16:41
By

Duterte maglilibot ngayong weekend

Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang lugar sa bansa ngayong weekend para personal na makita ang sitwasyon ng mga mamamayan habang mayroong krisis sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may mga naka-schedule na aktibidad ang Pangulo, gayunman hindi aniya maaaring idetalye para na rin sa kaligtasan nito.

Hindi rin kinumpirma ni Roque kung kasama sa paglilibot ng Pangulo ang pagbiyahe sa Jolo, Sulu matapos mapatay ng Jolo Police ang apat na niyembro ng Philippine Army nitong nakalipas na araw.

“Ang alam ko mayroong mga naka-schedule na mga aktibidades ang Presidente but for security reasons, hindi po puwedeng ianunsiyo,” ani Roque.

Kinumpirma rin ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang nakatakdang paglilibot ng Presidente pero hindi tinukoy kung kasama rito ang pagbiyahe sa Jolo, Sulu.

Nais ni Pangulong Duterte na makita ang crime scene kung saan napatay ang apat na sundalo sa Jolo at makaharap ang siyam na pulis na responsable sa insidente.

Matatandaang nitong Martes ay inihayag ni Pangulong Duterte na bibisita siya sa ilang lugar sa bansa dahil hindi magandang tingnan na nandoon lang ito sa kanyang opisina sa tabi ng Ilog Pasig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?