3

Dec 8, 2020 @ 16:01
By

Duterte: Maging mabait sa panahon ng pagsubok

Ngayong Kapistahan ng Immaculate Conception of Mary, hinimok ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na maging mabait sa isa’t isa habang nilalabanan ng bansa ang iba’t ibang hamon.

“Let us all draw strength from the holy life and example of the Virgin Mary so we may remain steadfast, joyous and hopeful amidst the many challenges we face today as a nation,” ani Duterte, Disyembre 8.

“May her Immaculate Conception guide us all, whatever faith we may hold, to be kind to one another during these trying times as we look forward to a better future in this life and beyond. I wish everyone a solemn and meaningful observance,” dagdag niya.

Taong 2017, sa pagsasabatas ng Republic Act No. 10966 ay dineklara ng Pangulo ang kada Disyembre 8 bilang special non-working holiday, bilang paggunita sa Kapistahan ng Immaculada Concepcion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?