56

By

Duterte magiging cheerer ni Pacquiao sa Malaysia

Sharing is caring!

Tutulak mamayang hapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuala Lumpur, Malaysia para manood at magbigay ng suporta kay Senador Manny Pacquiao sa laban nito bukas sa Argentine boxer na si Lucas Matthysse.

Alas-tres ngayong hapon ang alis ng Pangulo sa Davao International Airport.

Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go, ang talagang pakay ng Presidente ay makipagpulong kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa Lunes subalit dahil sa Kuala Lumpur gagawin ang laban ni Pacquiao ay nagpasya na itong panoorin ang senador.

“Ang talagang pakay ng Pangulo ay makipag-meeting siya kay Mahathir, since nandoon na rin siya ay manonood na lang siya to give moral support to Manny Pacquiao,” ani Go.

Hindi aniya nakikisawsaw ang Pangulo sa kasikatan ng isang tao pero noong panahong natalo si Pacquiao ay isa ang Presidente sa mga nagbigay ng moral support sa senador.

Ikinuwento ng kalihim na noong panahong depressed at mababa ang moral ni Pacquiao matapos matalo kay Juan Manuel Marquez ay pinuntahan ito ng Presidente sa General Santos City para bigyan ito ng moral support.

Kasabay nito nagpaabot ng “goodluck” wish si Go kay Pacquiao at kasama aniya ang Malacañang sa mga nagdarasal na mga Filipino para sa tagumpay ng laban nito kay Matthysse.

“Goodluck to Senator Manny, kasama mo ang sambayanang Filipino sa laban na ito. Kahit kailan suportado ka namin, alam naming kaya mong patumbahin si Matthysse. Twelve rounds, kahit anong paraan basta patumbahin mo at alam naming mananalo ka,” dagdag pa ni Go. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?