78

Oct 14, 2017 @ 14:12

Duterte magdedeklara ng revolutionary government

Posibleng magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte kapag malagay sa alanganin ang gobyerno dahil sa ilang grupong nagtatangakang pabagsakin ang kanyang administrasyon.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ng Pangulo na may mga grupong nagpopondo at nagbabalak na i-destabilize ang gobyerno.

Direktang tinukoy ng Presidente ang mga oligarchs na nagpopondo sa plano kasabwat ang mga militante at mga komunista at Central Intelligence Agency.

“I am concerned because pag nag-giyera hahabulin ko talaga lahat including the NDF. If i will declare a martial law , which im not… but if I will declare a revolutionary government arestado kayo lahat. hindi ako nananakot.. just remember that,” ang pahayag ng Pangulo.

Tulad aniya ng ginawa ni dating Pangulong Cortazon Aquino noon na nagdeklara ng revolutionary government ng may gustong magpabagsak sa kanyang administrasyon, ganito rin ang gagawin niya kapag nakitang makokompromiso ang gobyerno at kapakanan ng mga pilipino.

“If I think you are about to take over the nation ,na nanalo ako ..you have destabilized government na parang may papalit na bago, bantay kayo… pag ang destabilization ninyo patagilid na at medyo magulo na, I will not hesitate to declare a revolutionary government until the end of my term and I will arrest all of you, and we can go to a full scale war against the reds,” pahayag pa ni Duterte.

Hindi aniya kailangan pa ang martial law dahil kailangan pa niyang magreport sa kongreso at mas madali ang revolutionary government. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?