By

Duterte magbibitiw kung mapatunayang may ‘kamay’ siya sa pagpapatalsik kay Sereno

Sharing is caring!

Handang magbitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag may mambabatas o justice na magpatunay na may kinausap siya para patalsikin sa puwesto si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Malacañang, sinabi nitong ayaw niyang magkomento sa naging desisyon ng mga mahistrado sa quo warranto petition na nagpatalsik kay Sereno.

“Pati ako diyan dinadamay nila eh. I said if there is justice or congresswoman na magsabing may kinausap ako diyan, I can guarantee yan I will resign. Sinabi ko na nga kay Sereno na hindi ako nakialam. I never lifted a finger,” anang Pangulo.

Bagamat nasabi niyang kaaway na niya si Sereno, sinabi ng Presidente na nagalit lang ito dahil pinagbintangan siya pero hindi aniya ito nagtatanim ng galit .

“Nagalit lang ako pero that was…hindi ako tumatago ng sentimyento,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang hayagang sinabi ni Sereno na ang Pangulo ang nasa likod kaya napatalsik ito sa puwesto.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na si Solicitor General Jose Calida ang may sariling inisyatiba sa paghahain ng quo warranto petition laban kay Sereno dahil sa paniwala nito ay tungkulin niyang gawin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?