66

Nov 23, 2021 @ 9:04
By

Duterte magbibigay ‘moral support’ kay Quiboloy — Go

Nilinaw ni presidential aspirant at Senator Christopher “Bong” Go na magbibigay ng moral support si Pangulo Rodrigo Dutere sa kaibigang si Pastor Apollo Quiboloy ngunit hindi ito makikialam sa mga kasong kahaharapin nito.

Nitong Lunes, sinabi ni Go na naniniwala itong sumusunod sa batas ang Pangulo kaya hindi ito makikialam sa kaso.

“Hindi po. Abugado si PRRD at ako po’t naniniwala na sumusunod sa batas ang ating presidente. Bilang presidente, naniniwala ko siya nagpapatupad sa anumang treaty,” saad ni Go sa isang panayam.

Dagdag pa riyan, aniya, hindi siya maaaring magsalita para sa Presidente ngunit magbibigay ito ng moral support para sa dating spiritual adviser.

“I cannot speak in behalf of the President. Kaibigan sila ni PRRD. Nandyan si pangulo to give moral support as dati niyang spiritual adviser. Meron namang hustisya at extradition treaty,” dagdag ni Go.

Nahaharap sa kasong sex trafficking si Quiboloy at iba pa nitong kasamahan dahil sa umano pakikipagtalik sa mga menor de edad, coercion, at fraud. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?