177

May 11, 2021 @ 19:24
By

Duterte magaling manloko ng tao – Rep. Cabochan

Niloko na, iniinsulto pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bumoto sa kanya noong 2016 elections.

Ayon kay Magdalo Rep. Manuel Cabochan III sinadya ni Duterte ang panlilinlang sa mga botante upang siya ang iboto.

“The Filipino people are not stupid. The 16M who voted for Duterte were deceived big time. Duterte intentionally lied to the people. He betrayed their trust. So please do not insult them by calling them stupid,” sabi ni Cabochan.

Nauna nang sinabi ni Duterte na joke lang ang sinabi nito na siya ay pupunta sa West Philippine Sea sakay ng jet ski at maglalagay ng watawat ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

“Magaling lang manloko ng tao si Duterte. Nahihirapan na nga ang taumbayan, niloko na, kukutyain pa. Sobra na,” dagdag pa ni Cabochan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?