187

Feb 24, 2021 @ 11:59
By

Duterte: Mag-ingat kay Trillanes!

Pinag-iingat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pinoy sa muling paghalal kay dating Senador Antonio Trillanes.

Sa situation briefing na ibinigay sa Pangulo sa Tandag City, Surigao del Sur nitong Martes ng hapon, binalaan nito ang publiko laban kay Trillanes.

Pinag-iingat ng Presidente ang publiko sa posibilidad na makaupo muli sa puwesto si Trillanes dahil baka ibenta aniya ang mga Pilipino sa demonyo.

“Be carfeul of Trillanes. Magbantay kayo. He will sell you to the devil ‘pag ‘yan ang nakaupo, patay,” anang Pangulo.

Binanggit ng Presidente ang matinding paninirang ginawa ni Trillanes sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang bunsong anak na si Kitty na inakusahang drug lord ng dating senador.

“Ang pulitika dito sa Pilipinas, kababuyan. Lalo na si Trillanes, pati yang anak kong 16 years old ginawa pa ‘tong drug lord,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?