5,907

By

Duterte madidiin sa ICC dahil sa pagiging ‘diktador’ – Lacson

Sharing is caring!

Nagbabala si Senador Panfilo Lacson sa negatibong idudulot ng pag-amin ni Pangulong Duterte na isa siyang diktador.

Baka umano ikapahamak niya ito sa International Criminal Court (ICC) na magsasagawa na ng preliminary examination sa paratang laban sa pangulo na “crimes against humanity” dahil sa mga pamamaslang sa gitna ng drug war.

“Those are words that won’t help his present issue with the ICC,” ani Lacson.

Idiniin naman ng senador na hindi totoong diktador ang pangulo at maaring sinasabi lang na ito ang kaniyang estilo para sa kaniyang mga tauhan sa ehekutibo.

“He is of course exaggerating since we all know there is no dictatorship prevailing in the country. He might be referring to his style of leadership towards his subalterns in the executive,” pahayag ni Lacson.

Suportado naman ng senador ang paggamit ng pangulo ng kamay na bakal dahil ganundin daw siya noong pinuno siya ng Philippine National Police (PNP).

Ito umano ang kailangan kapag haharapin ang katiwalian sa gobyerno.

“In a way, if I were a leader of men as I was when I was still with the police service, it pays to adopt that leadership style, to the point of being a dictator when dealing with shenanigans in the government bureaucracy,” sabi ni Lacson.

“But, it pays more when a leader adopts only one standard, not double or triple in exercising dictatorial leadership, lest it will never be effective,” dagdag ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?