108
Duterte pupulbusin ang mga sindikato ng droga sa Cebu
Apr 6, 2019 @ 16:06
By

Duterte: Macalintal puro mayaman ang kliyente, walang binatbat kay Pimentel

Walang kuwenta ang opposition senatorial candidate na si Atty. Romeo Macalintal kumpara kay reelectionist Senator Aquilino “Koko” Pimentel.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pagkumparahin ang dalawa bilang mga abogado.

Ayon sa Pangulo, si Pimentel ay Bar topnotcher, Mister Public Service at may prinsipyo na tao samantalang si Macalintal ay walang nagawa o kontribusyon para sa mga ordinaryong Pilipino.

Si Macalintal aniya ay election lawyer at walang kliyenteng mahirap kaya milyonaryo ito dahil sa mga hawak na election cases.

“Koko Pimentel, Bar topnotcher, mister public service at may prinsipyo na tao, ‘yan lang saludo na ako. Sino si Macalintal? Election lawyer, wala ito kliyente na mahirap. Milyonaryo sa election cases. ‘Yan lang ang contribution. ‘Yan ang gusto niyong botohin?” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi niya ipipilit sa mga botante kung sino ang iboboto sa darating na eleksiyon kaya dapat na pag-aralan ang mga kandidato na inaakalang interes ng mamamayan ang prayoridad at hindi ang kanilang sarili at partido.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?