143

By

Duterte lumabag sa oath of office – Lagman

Sharing is caring!

Bagama’t tinatangka na ng Malakanyang na ayusin ang gusot nito sa simbahang Katolika, hindi pa tapos si Albay Rep. Edcel Lagman sa pagpapasaring kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtawag nito sa Diyos na “stupid.”

Ayon kay Lagman, nilabag ng Pangulo ang kanyang oath of office sa “stupid God” remark.

Paliwanag ng kongresista, ang panunumpa ni Duterte bilang Presidente ay nagtapos sa taimtim na dasal na “so help me God.”

Ginawa pa anya nito ang panunumpa at panalangin habang nakalagay ang kaliwang kamay sa ibabaw ng banal na bibliya.

Sinumbatan ni Lagman si Duterte na matapos hingin ang tulong ng Panginoon sa pagsasakatuparan ng kanyang mga tungkulin, ngayon naman ay galit at iniinsulto na ito ng Pangulo.

“After seeking God’s help in the discharge of his duties, Duterte now derides the Almighty in patent breach of his solemn oath,” sabi ni Lagman.

“It is not surprising that Duterte lacks fidelity in vindicating the people’s trust, even as his patriotism is suspect in the face of China’s unchallenged onslaught in the West Philippine Sea,” dagdag ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?