156

By

Duterte, Lucio Tan magkabati na

Sharing is caring!

Naayos na ang gusot sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at business tycoon na si Lucio Tan.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport kagabi matapos salubungin ang umuwing overseas filipino workers mula sa Kuwait, ipinaabot ng Pangulo ang pasasalamat kay Tan at kay Lance Gokongwei sa ipinadalang eroplano sa Kuwait para sunduin ng libre ang mga distressed ofws.

Isang eroplano ng Philippine Airlines at eroplano ng Cebu Pacific ang sumundo sa mga OFWs sa Kuwait matapos ideklara ang total deployment ban ng mga pilipino sa nabanggit na bansa.

Sinabi ng Pangulo na kahit Chinese ang ninuno nina Tan at Gokongwei, Pilipino pa rin aniya ang mga ito .

Bagamat mayroon aniya silang konting alitan noon ni Lucio Tan na may kinalaman sa pulitika, sinabi ng Pangulo na nakabawi ang negosyante dahil sa ilang mga pagkakataon na nakagawa ng kabutihan sa buhay ng mga Pilipino.

Katunayan ,sinabi ng Pangulo na tumawag sa kanya si Tan noong Lunes at nag-alok ng isa pang biyahe ng eroplano kung kailangan para sa repatriation ng mga Pinoy sa Kuwait.

“Nagmamagandang-loob ang PAL si Lucio Tan, pati ang Cebu Pacific. Yang dalawang yan, Pilipino yan of Chinese ancestry, pero Pilipino yan at tumawag kaagad sila, ready sila mag-deploy ng eroplnao. Eh may mga ano kami noon, pulitika eh, so meron kaming konting alitan , pero di naman kalalim. Pero yung binawi nila sa subsequent events ng buhay ng isang Pilipino at ilang beses silang nag-offer ng eroplano, libre na. Lucio Tan I said called yesterday offering another plane. Ah I’d like to just say to Mr. Lucio Tan and Gokongwei family, si Lance, in behalf of my countrymen salamat po and I will remember you for all time,” anang Pangulo.

Kasabay ng pasasalamat ay tiniyak ni Pangulong Duterte kay Tan na wala itong dapat na ipag-alala dahil hindi ito makakaranas ng harassment sa kanyang administrasyon basta gawin lamang ang tama.

Hindi na rin aniya makakarinig ng banat mula sa kanya ang negosyante dahil nabayaran na nito ang kanyang mga buwis at makakaasang poprotektahan ang mga negosyanteng kagaya nito.

Binilinan din ni Pangulong Duterte si Tan na kapag may mga tiwaling opisyal o taga-gobyerno na gusto siyang pagkakuwartahan ay sabihin lamang sa kanya at ipadala sa Kuwait para ipapatay ang mga ito.

“Ito namang kay Lucio Tan, wag kang mag-alala walang harassment sa gobyerno ko, ke magkasama tayo sa pulitika o kalaban. Just do the right thing and I will do the right thing and we will be alright. Wag kayong mag-alala na mayroon akong sama ng loob wala po,kasi ganon lang ang pulitika kanya- kanyang choice yan kung sinong gusto mong tulungan. Eh tapos na yan , at binawi ninyo at ilang beses na ah, because of this incident, Mr. Lucio Tan I went to shut up forever.. Wala ka ng maririnig na salita sa akin na hindi ka nagbayad, ok na sa akin yon , tapos na. nabayaran mo naman yung taxes mo at yung pinakita mo and mind you I am ready to protect every businessman kagaya ninyo. Walang corruption dito sa gobyernong ito, sabi ko sa inyo, sabihin mo lang at ipadala natin sa Kuwait at ipapatay natin,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?