48

By

Duterte, liligawan ng Kamara sa divorce bill

Kukumbinsihin ng mga kongresista si Pangulong Rodrigo Duterte para suportahan ang panukalang gawing ligal ang diborsiyo sa Pilipinas.

Inaprubahan na kagabi sa Kamara ang panukala sa botong 137-57-2.

Ginawa ito ng mga kongresista sa kabila ng pahayag ng Malakanyang na tutol ang pangulo sa diborsyo dahil sa paniwalang kawawa dito ang mga anak.

“Kami ay handang magpaliwanag sa Pangulo. Iyung concern ng Pangulo, in fact, talagang mahaba ang diskusyon niyan sa committee na siniguro talaga ma-address ang welfare nung mga bata,” ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez.

“Malinaw na malinaw po iyung provision tungkol doon, especially iyung education and support of the children,” dagdag ni Alvarez.

Umapela naman ang Speaker sa Senado na talakayin ang divorce bill. Wala pang kaparehong panukala ang naihahain sa Senado at maraming senador ang maagng nagpahayag nang pagtutol dito.

“Pag nai-forward naman namin iyan sa kanila (Senate), hopefully,pag-usapan nila. Alam naman natin lahat na matagal nang problema ito ng karamihan ng mga kababayan natin,” sabi ni Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?