16

Oct 5, 2021 @ 15:21
By

Duterte lalabanan ICC

Paghahandaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang depensa kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC).

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hihintayin niya ang aksiyon ng ICC at paghahandaan niya ito.

Pero dapat aniyang mga totoong record lamang ang iharap at huwag mag-imbento ng mga numero sa mga sinasabing namatay sa extrajudicial killings at huwag isama pati ang mga namatay sa malaria.

“Ayaw nila ako maglaro pa sa pulitika. Gusto nila umuwi na ako sa Davao at maghintay sa maraming dada ng dada diyan ng kaso. Hintayin ko kayo. I will prepare for my defense na yung ICC na yan,” anang Pangulo.

Hindi aniya siya papayag na dadayain siya sa ebidensiya ng mga personalidad na nagsampa ng kaso at ikakarga sa kanya ang mga kasong walang kinalaman sa anti-drug war ng gobyerno.

Tinitiyak ni Pangulong Duterte na hindi siya magpapasailalim sa kontrol ng mga puting dayuhan dahil wala aniyang hurisdiksiyon ang mga ito sa Pilipinas.

“Sino bang g*gong magpapakulong ng ano? Iyang ICC ang kaharap ko puro mga puting mga t****i** yan. Pilipino ako hindi ako international body. May sarili kaming judicial system dito. Huwag kayong makialam. At saka sinabi ko you never acquired jurisdiction over my person,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?