57

By

Duterte labis ang pagkadismaya sa katiwalian sa Philhealth

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng mabilisang imbestigasyon sa nabunyag na anomalya sa pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo matapos pulungin ang lahat ng mga opisyal ng Philhealth sa Malacañang Lunes ng gabi.

Sinabi ni senator-elect Bong Go na nalulungkot at matinding pagkadismaya ang naramdaman ng Pangulo sa nangyaring katiwalian sa ahensiya.

Pinagsumite na rin aniya ng Presidente ng courtesy resignation ang mga ipinatawag na opisyal.

“Inutusan ng Pangulo ang NBI na imbestigahan ito sa mabilisang panahon,” ani Go.

Sinabi ng senador na nais ni Pangulong Duterte na malinis ang pamunuan ng Philhealth kaya habang hindi pa inaaksiyunan ang kanilang courtesy resignations , ang mga appointive official ay magpapatuloy sa kanilang trabaho habang ang ilang plantilla officials ay ilalagay sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the President habang ginagawa ang imbestigasyon.

“Until any action on their courtesy resignations is taken by the President, appointive officials shall continue to report for work and perform their normal duties and responsibilities. Certain plantilla officials will be placed under OP while investigation is ongoing,” dagdag pa ni Go.

Gusto aniya ni Pangulo ng clean slate sa pamunuan ng Philhealth at malinawan kung paano nakalusot sa napakatagal na panahon ang anomalya sa pamamalakad ng kasalukuyang mga opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?