68

Oct 14, 2021 @ 16:07
By

Duterte ‘kuwela’ sa pag-utos ng ‘turok-tulog’ – Joey de Leon

Bilang batikang komedyante, alam na agad ni Joey de Leon na joke lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinabi nitong tuturukan ng COVID vaccine habang natutulog ang mga ayaw pabakuna – bago pa man sabihin ng Palasyo na biro lang ito.

Sa kanyang Twitter post noong Miyerkoles, inilarawan ni de Leon ang pangulo na ‘kwela’ sa kanyang naging pahayag.

Tinawag pa ng komedyante na walang sense of humor ang mga hindi natawa sa sinabi ng pangulo.

“Kwela rin itong Presidente natin, akalain nyong yun daw ayaw magpabakuna iniksyonan habang natutulog! Pag hindi kayo natawa eh wala kayong sense of humor!” saad ni De Leon.

At dahil alam niyang biro lang ‘yun, binansagan na ito agad ni de Leon na ‘turok-tulog.’

“Op kors nagpapatawa lang yun! Ang tawag ko dun ay TUROK-TULOG!” aniya.

Gayunpaman, sinamantala na ni de Leon ang pagkakataon para himukin ang iba na magpabakuna.

“Pero bakit ba may mga ayaw pang magpabakuna? Pabakuna na kayo!”

Isang araw matapos ang tweet ni de Leon, ngayong Huwebes, ay nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbibiro nga lang ang pangulo. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?