35
views

By

Duterte, kuntento na sa corduroy, maong

Sharing is caring!

Walang hilig si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamahaling damit at gamit tulad ng designer suits.

Sinabi ng Pangulo na mayroon itong allergy at nangangati ito kapag polyester ang suot na damit at nagkakaroon siya ng rashes sa katawan.

Kaya naman aniya lahat ng pantalon nito ay corduroy dahil cotton lang ang kasundo ng kanyang katawan.

Kapag nagsuot aniya ito ng ibang tela ay nangangati ito at panay ang kamot niya sa katawan.

“I’m so happy to see you. Naka-amerikana halos lahat. Naka-amerikana po ako pero maong ‘to ha. Pantalon ko corduroy. Hanggang diyan lang tayo.

“You know I have this allergy, I cannot mix it up nitong polyester, artificial. Nagkakaroon ako ng rashes. I’d be itchy. I’m not comfortable. Maong at pantalon na corduroy, hanggang diyan lang tayo. Itong ganito okay naman ‘to,” anang Pangulo.

Matatandaang sa ibang aktibidad ng Pangulo ay naka-polo shirt lang ito at maong na pantalon at saka lang ito magsusuot ng amerikana o barong kapag mga pormal ang dadaluhang okasyon o aktibidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?