9
duterte

Duterte, kinantahan si Alvarez

Sharing is caring!

Nakisaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng ika-60 kaarawan ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Tagum City, Davao del Norte nitong Biyernes, Enero 12.

Sa talumpati ng Pangulo, pinasalamatan nito si Alvarez sa pagpilit sa kanya na tumakbo bilang Presidente ng Pilipinas noong 2016 elections.

Inalayan niya ng awitin si Alvarez sa kaarawan nito.

Kabilang sa dumalo sa pagdiriwang sina Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, at ilang gobernador at kongresista mula sa iba’t ibang distrito.

Imbitado rin ang ilang showbiz personality tulad nina Boy Abunda at Jed Madela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?