87

Duterte, kinalampag sa sunod-sunod na aberya sa MRT-3

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang kinalampag ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao para mapabilis ang kanselasyon ng maintenance contract ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) sa Metro Rail Transit (MRT)-3.

Ito’y sa harap pa rin ng sunod-sunod na aberya sa MRT.

Kinuwestiyon ni Casilao kung bakit tahimik ang Pangulo sa problema sa MRT gayong araw-araw na ang aberya nito.

“Nasaan ang Pangulo?” tanong ni Casilao.

Sinabi ng kongresista na ang Pangulo na dapat ang mag-utos sa Department of Transportation (DOTr) para tuluyan nang ibasura ang kontrata sa BURI.

Giit nito, noong Oktubre 17 pa naibigay ng DOTr sa BURI ang Notice of Termination sa kontrata nito pero wala namang nangyari.

“The notice issued by the DOTr only gave BURI a 7-day deadline to explain on why their contract should not be terminated, but their reply is obviously the almost daily breakdown of the MRT system, so we are asking the President, why the delay of the termination?” sabi ni Casilao.

Nangangamba si Casilao na habang nagpapatumpik-tumpik ang gobyerno ay baka magkaroon pa ng malaking disgrasya at malagay sa panganib ang mga pasahero ng MRT-3. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?