61

Feb 29, 2020 @ 16:04
By

Duterte kinalampag sa posibleng job crisis

Pinangangambahang mahaharap sa matinding krisis sa trabaho ang bansa kasunod na rin ng pagsara ng ilang malalaking kompanya tulad ng Honda.

Kaya naman, kinalampag ni Bayan Muna Ferdinand Gaite si Pangulong Rodrigo Duterte para aksiyunan ito sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Gaite, sa halip na puro batikos sa kanyang mga kritiko, dapat na pagtuunan ng pansin ng Pangulo ang pag-aksyon sa problemang ito na kinakaharap ng bansa.

Tinukoy ng kongresista ang pagsara ng Honda at nakaambang layoff sa Philippine Airlines na libo-libo manggagawa ang nawalan ng trabaho.

“A terrible job crisis is imminent. After the abrupt closure of Honda just a few days ago, now we have this lay off in Philippine Airlines. Meanwhile, our President is busy attacking his critics. in attacking ABS-CBN and freedom of the press, instead of facing the exploding economic problems that this country is facing,” ayon kay Gaite.

Ayon sa kongresista ang mabilisang aksyon ng Pangulo ang kailangang kung nais nitong hindi mahaharap sa “economic disaster” ang bansa.

“We need urgent action as this consecutive retrenchments is leading fast into an economic disaster,” dagdag ni Gaite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?