9

By

Duterte kinalampag ng NAPC sa ‘Isang kahig, isang tukha’ program

Sharing is caring!

Hiniling ng mga kinatawan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang mga polisisya at programa na hindi naman nakakatulong sa mga mahihirap.

Ayon kay NAPC Basic Sectors Vice Chairman Ruperto Aleroza may mga naging hakbangin pa ang gobyerno na lubos na nagpalubog sa mga mahihirap.

Binanggit nito na ang tax reform package na nagpataas sa halaga ng mga pangunahing bilihin at ang hindi nagbabagong kondisyon sa pagta-trabaho.

Aniya sinisingil na nila si Pangulong Duterte sa mga pangako nito na iaangat ang antas ng kabuhayan ng mga mahihirap at ang mga nasa marginalized sector ng lipunan.

Dapat aniya pakinggan na ng Pangulo ang hinaing ng masang Filipino dahil kung hindi ay magpapatuloy kundi man ay magkakaroon pa ng mga programa na magpapanatili lang sa maraming Filipino na ‘isang kahig, isang tuka.’

Inilabas ng NAPC ang kanilang hinanakit sa paghahanda ng Punong Ehekutibo sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?