34

Aug 24, 2021 @ 14:02
By

Duterte kinagat alok na VP bet ng PDP

Tinanggap na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng partidong PDP-Laban para maging vice presidential candidate sa 2022 elections.

“President Rodrigo Roa Duterte agreed to make the sacrifice and heed the clamor of the people, and accepted the endorsement of the PDP-Laban Party for him to run as Vice President in the 2022 National Elections,” saad sa press release ng partido ngayong Martes.

Ayon sa press release, tinanggap ni Duterte ang pag-endorso ng PDP-Laban para maipagpatuloy ang mga nasimulan ng kasalukuyang administrasyon.

Sabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, magkakaroon ng public address mamaya ang pangulo kung saan kukumpirmahin niya ang naturang balita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,