356

Oct 26, 2017 @ 10:31

Duterte kina Mabilog, Loot: Kayo na ang susunod!

Hindi  pa  rin nakasisigurong  lusot  na sa  isyu ng  illegal na  droga   sina  Iloilo City Mayor Patrick Jed Mabilog  at Daan Bantayan Cebu Mayor Vicente Loot.

Ito ay  makaraang  muling ulitin ni Pangulong Rodrigo  Duterte ang banta  laban sa  mga  alkalde  at  opisyal ng  gobyerno  na  sangkot  o protector  ng  illegal na  droga.

Sa  kanyang  talumpati sa commemorative session of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Law Association (ALA) Governing Council  sa  Malacanang, sinabi ng  Pangulo na hindi siya titigil  sa  pagtugis sa  mga opisyal  na ginagamit  ang  impluwensiya   at  kapangyarihan ng  illegal na  droga.

Ayon sa  Pangulo, bilang  lider  ng  bansa, tungkulin niyang  protektahan ang  mamamayan at  bansa  sa  kahit  na  anong  paraan.

“As President of the  Republic of the  Philippines, I have to protect my country at all cost. Maybe, whatever your rights  under… will end when the interest of my country begins. Sorry to tell you that. Do not ever, ever mess up with my country,” sabi ng  Pangulo.

Sinabi ng Presidente na  susunod  na ang Mayor  ng  Iloilo City na  naunang  inakusahang protektor  ng  droga .

“The Mayor of  Iloilo City I identified him, this is broadcast nationwide…I said “you’re  next, you’re next!”  pahayag  ng  Presidente.

Si Mayor  Mabilog  ay  hindi pa  bumabalik  ng  bansa  matapos  bumiyahe sa  Japan noong buwan ng  Setyembre para  dumalo sa  isang disaster  management  conference.

Si Mayor  Loot naman na  dating heneral ng  Phillippine National Police  ay kuwestiyonable  ang  yaman at ari-arian sa  kabila  ng  paggigiit  na  kinita  niya  ito  sa  kanyang  negosyo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?