60

By

Duterte kina Lapeña, Faeldon: ‘Di sila korap, nalusutan lang talaga

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga dating itinalaga sa Bureau of Customs na sina Isidro Lapeña at Nicanor Faeldon dahil sa lumalang drug smuggling sa bansa.

Ayon kay Duterte, wala umanong kinalaman sina Lapeña at Faeldon sa mga lumusot na shabu, at sinabing tiwala siya sa mga ito na hindi gagawa ng kabulastugan dahil militar ang mga ito.

“Mind you, ito si Sid Lapeña sa Customs including Faeldon who was his predecessor, puro military ‘to, nalusutan talaga sila. But kung sabihin mo na pumasok sa mga ganung…,” ayon kay Duterte sa kanyang speech sa Bacolod noong Sabado.

“Hindi sabihin na mga corrupt ‘yan, hindi corrupt ‘yan. Hindi ko kunin ‘yan kung corrupt. Sigurado ako. Nalusotan lang talaga kasi hindi nila kaya — kasi insider eh. Kinain sila ng sistema…,” dagdag pa niya.

Ibinida rin ni Duterte ang naging kontribusyon ni Faeldon kontra sa isang cigarette manufacturer na nameke ng mga tax stamp.

“The first was 3 million only. Galing ‘yun kay Faeldon ang… kaya maniwala na si Faeldon corrupt eh bakit — bakit ba niya sinumbong? ‘Di sinolo na lang sana niya. And so with Lapeña because he was my police chief for the longest time. Nalusutan lang talaga,” pakli pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?