341

May 29, 2020 @ 10:15
By

Duterte kina Lacson, Drilon: Pera sa COVID ‘di binulsa!

Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pagdududa nina Senador Panfilo Lacson at Senate minority leader Franklin Drilon kaugnay sa biniling testing kits ng gobyerno para sa coronavirus disease 2019.

Sa kanyang mensahe sa bayan, Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ang Office of the President (OP) at Department of Budget and Management (DBM) ang bumili ng testing kit at hindi ang Department of Health (DOH).

Masyado na aniyang “overworked” ang DOH kaya ang OP at DBM na ang kumilos para mabilis ang pagkuha ng mga kakailanganing gamit para sa virus.

“Sinadya ko ito para madali. Tinanggal ko nga doon kasi overworked na ang Health department. ginawa ko yun para mabilis. And may I inform Senator Drilon and Ping Lacson and everybody –ganon ang nangyari,” wika ni Duterte.

Binigyang-diin niya na ang mga bidder na nag-alok ng mababang presyo ay hindi umano sumali sa bidding. Noon pa man ay pinapatanggal na aniya niya ang lowest bid dahil ito umano ang ugat ng katiwalian sa gobyerno.

Maglalabas din aniya sila ng ulat hinggil sa mga biniling testing kit para patunayang hindi kinurakot at walang patong ang presyo ng mga biniling medical equipment.

“Itong si Senator Drilon, sabi niya, “I want where the money went”. Well, you will have the explanation, and better believe it because ‘yon ang totoo. Hindi naman kami nambobola,” saad ng Pangulo.

“It so happened na mayroon talaga tayong mga bastos na tao, at kayo, maniwala kaagad. You better wait for the official report, at least, for respeto. A little respect coming from the Office of the President kasi sinadya ko ‘yan,” wika niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?