154

Dec 20, 2017 @ 11:09
By

Duterte: Kayong mga NPA, mga walanghiya kayo!

Ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalong nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations sa lalawigan ng Samar.

Sinabi ng Pangulo na dahil sa insidente ay lalong walang dahilan para makipag-usap sa mga ito.

Nakarating na rin sa Pangulo, ang panghihipo sa asawa ng mga magbubukid na kinokotongan at ninanakawan ng mga rebelde.

“Itong mga NPA na… talagang kayong… mga walanghiya. Pati ‘yung mga sundalo doon sa Samar na tutulong sa mga evacuees niratratan ninyo… that’s why, sabi ko there is no point in talking to you,” ang galit na pahayag ng Pangulo.

Ang mga panghihingi sa mga mahihirap na magsasaka, pagnanakaw ay hindi aniya bahagi ng rebolusyonaryo pero hinayaan ng kanilang matatandang lider na gawin ng mga NPA.

Dahil dito inatasan ng Pangulo ang mga pulis at sundalo na huwag bigyan ng tsansa ang mga NPA dahil pagod na rin siyang makipag-usap sa mga ito at halos pareho lang aniya sila ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS).

“Ang directions ko sa pulis pati armed forces is to give you no quarters. No quarters given, no quarters asked. I’m sick and tired of talking to you. Almost pareho kayo ng ISIS. It’s an empty thing. There is no ideology except to destroy and kill. That’s about it,” dagdag pa ng Presidente. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?