4,029

By

Duterte kay Trillanes: Walang gamot sa pagka-estupido!

Sharing is caring!

Kinantiyawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mortal na kaaway na si Senador Antonio Trillanes IV sa harap ng umiiinit na isyu sa inihaing reklamo laban sa kanya sa International Criminal Court o ICC.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya matatakot ng senador dahil wala naman aniyang alam ito sa kanyang ginagawa.

Wala umanong mangyayari kung papatulan at makipag-argumento siya sa mga taong wala namang alam kaya pinayuhan nito ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag na lamang pansinin ang senador.

“But you will — you will get your comeuppance. You cannot just tell people na — and say, takutin mo na Trillanes nagsasayaw-sayaw, mukhang walang alam eh. ‘Yan ang mahirap sa mga gustong power, they want power, hungry for power, attention.

“This one guy na mag-mutiny, p***** i** sikat pa ngayon. Pero ako kasi — because if you argue with stupid people, you cannot, there’s — there’s no medicine for that. There’s no cure for stupidity. So the best way, sabi ko nga kay Inday, ‘Hayaan mo na ‘yan.’ Kaya nga hindi nanalo, look at what he got, four percent of… PMAer man sana ‘yan pero may nakalusot, ang buang, I don’t know why,” anang Pangulo.

Ang reklamo ni Trillanes sa ICC ay may kinalaman sa umano’y extrajudicial killings sa bansa sa ilalim ng Duterte administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?