703

Apr 24, 2020 @ 10:08
By

Duterte kay Trillanes: Batukan mo ko? Driver lang ka-level mo!

Bumwelta na si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging patama ni dating senador Antonio Trillanes IV na babatukan umano ang Presidente.

Sa pag-ere ng meeting ng Inter-Agency Task Force nitong Biyernes ng umaga, nilahad ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa P4.1-trillion na pondo ng Pilipinas para sa 2020, P352.7-billion na ang nagagamit para sa COVID-19 response na wala sa allotment.

Paliwanag ni Dominguez, karamihan dito ay galing sa buwis ng mamamayan, ngunit kumuha na rin sa savings at utang mula sa Asian Development Bank at World Bank para makadagdag sa pondo kontra sa virus.

Saad ni Dominguez na hindi pwedeng gastusin ang lahat ng pondo dahil nirereserba pa ito para sa Build, Build, Build program matapos ang pandemic para may malikhang trabaho at business opportunity ang gobyerno.

Dahil dito ay naalala ni Duterte ang naging pahayag dati ni Trillanes na patama sa Pangulo dahil sa malaking budget nito.

“Kaya itong sinasabi ng ugok na si Trillanes, nagsasalita ng trilyon, trilyon na hangin!” giit ng Pangulo.

Saad pa ng Pangulo, buti na lang at walang naupo na kaalyado ni Trillanes dahil wala umano itong alam.

“Trillion of cubic meters in your head that it is too tight kaya para kang buang nagsasalita ka ng trillion. Put*ngina pa-rebelde-rebelde ka pa diyan ‘di ka pala marunong,” pahayag pa ni Duterte.

“Batukan mo daw ako, sabihin ko sa driver sampalin ka. Ang driver ko lang utusan ko hanggang diyan ka lang. Tingin ko sa’yo, ka-level mo driver!” galit na sambit ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?