195

By

Duterte kay Sison: Hindi mo makukuha ang Pilipinas

Mananatiling pangarap ang kagustuhan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na makuha at makontrol nila ang Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City Martes ng gabi, hindi makukuha ni Sison ang Pilipinas at patunay dito ang 50 taong kabiguan ng kanilang grupo.

Mistulang kinantiyawan pa ng Pangulo si Sison dahil kahit isang barangay ay hindi nito nakuha kaya tigilan na ang pangarap na maibagsak ang gobyerno at makontrol ang buong bansa.

“Hindi mo makuha ang Pilipinas. It will not happen that way. That’s — that is stupid thinking. Hindi mo nga makuha ni isang barangay isang araw. Huwag kayong maniwala diyan sa ano… It’s a failed dream,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na maaari niyang pulbusin ang New People’s Army gamit ang mga air asset ng Hukbong Sandatahan pero nagpipigil lamang ito.

Ang nangyayari ngayon, ayon sa Pangulo, ay naging extortionist na ang mga NPA at wala na ang ipinaglabang prinsipyo dahil ginutom sila ni Sison.

“Karami kong helicopter, sabi ko, huwag muna. Kung gagamitin mo ‘yan, linisin mo ‘yang buong — buong gubat. You… Plantsahin mo ‘yan ng bala. Kaya ako nagpipigil lang. But they can be an irritation. Ito mga extortionist ‘to. Sige hingi, sige hingi. Doon lang rin sa lugar na pwede sila. Anong mangyari ‘pag orderin ko ‘yang military, “Shoot to kill.” Huwag na kayong magkuha ng prisoner. Basta diretso na lahat,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?