525
duterte-3
By

Duterte kay Sereno: Sinayang mo ang puwesto mo!

Sharing is caring!

Sinayang umano ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang posisyon.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos mahingan ng reaksiyon kaugnay sa plano umano ng napatalsik na Chief Justice na pumalaot sa pulitika at kumandidato sa pagka-senador.

Ayon sa Pangulo, hindi pinahalagahan ni Sereno ang puwesto nito gayong batid nito na hindi lahat ay maaaring maitalaga bilang Supreme Court Chief Justice.

Ito ayon sa Presidente ay regalo mula sa kanyang kilalang Diyos.

Mainam aniya kung tatakbong senadora si Sereno, kasabay ang paghimok na subukan din para makita kung paano ito maglingkod sa senado.

“Eh di maganda. Palit siya from Chief Justice to Senator, maganda. Botohin ninyo para some of you maga-dive. With that kind of behavior, de Lima pati si Sereno. She wasted the prestige of the Chief Justice. Sayang, not everybody can be appointed as Chief Justice. It’s a gift from my God as I conceived him to be,” anang Pangulo.

Matatandaang napatalsik sa kanyang puwesto si Sereno matapos katigan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang quo warranto petition na inihain laban sa kanya ni Solicitor General Jose Calida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?