6,807

By

Duterte kay Roque: Edi mag-resign ka!

Sharing is caring!

Sinagot na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatampo ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang hindi ipinaalam sa kanya ang pagpapaospital nito sa Cardinal Santos Hospital noong nakalipas na linggo.

Sinabi ng Pangulo na may mga bagay na limitado lamang sa pinakamalapit na miyembro ng pamilya at hibdi kailangang sabihin lahat sa kanyang tagapagsalita.

Kung sakali aniyang may problema ay ipapaalam naman nito sa kanyang gabinete, pero dahil wala ay hindi na lamang ipinaalam.

“He was not informed and he didn’t know that I was in the hospital. Hindi naman kailangan sabihin ko lahat eh. There are things which are limited to the immediate members of the family,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na hindi naman nagtanong noon si Roque kaya pakiramdam nito ay nalagay siya sa alanganin at lumitaw na nagsinungaling ito.

Pero kahit nagtanong aniya ang kalihim ay wala siya posisyon noon para sabihin sa kanya ang pagliban ng isang araw.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nagpahaging na si Roque na mag-resign kaya tatanggapin niya agad ito, at katunayan ay mayroon na itong napilit kapalit.

“Ang sabi niya mag-resign siya. Sabi ko di sige. Then immediately, I… namili na agad ako ng replacement but I cannot tell you now kung sino,” wika pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?