253

Nov 28, 2019 @ 21:55
By

Duterte kay Robredo: Pasabog mo sa drug war, ilabas mo!

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na ilantad ang sinasabing natuklasan niya sa drug war ng administrasyon sa maiksing panahon ng pagiging Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chair nito.

“You seem to be threatening na may information ka, ilabas mo,” hamon ng Pangulo sa kanyang Bise Presidente.

Matatandaang matapos siyang sibakin bilang drug czar, nangako si Robredo na maglalabas siya ng ulat sa publiko tungkol sa nadiskubre niya sa 18-araw niya bilang ICAD co-chair.

“Sa mga susunod na araw, magbibigay ako ng ulat sa bayan. Sasabihin ko ang aking natuklasan at ang aking mga rekomendasyon. Makakaasa kayo: kahit tinanggalan ako ng posisyon, hinding-hindi nila kayang tanggalin ang aking determinasyon,” saad ng Bise Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?