374

Mar 2, 2021 @ 22:02
By

Duterte kay Robredo: Mamatay ka na

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo dahil sa pagbatikos ng huli sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Napika ang Pangulo sa sentimyento ni Robredo na paghahangad ng isang mas ligtas at mas mabisang bakuna sa COVID-19 para sa mga healthcare worker.

Sa halip na ikonsidera ito ay sinabihan ng Pangulo si Robredo na mamatay na ito.

“Iyan ang mahirap sa iyo eh, you want to be relevant,” ani Pangulong Duterte sa kanyang public address.

“Sometimes, you make an idiotic stance. Iyong mga ganoong ‘They deserve the best.’ Anak ka ng. Bakit ako? I would give them the worst? Mamatay ka na. Hindi ko iwanan ‘yong mga frontliners and you do not need to really be redundant about it,” diin ng Pangulo.

Noong Linggo sa kanyang weekly radio program, iginiit ni Robredo sa mga government official na tiyakin na sasailalim ang mga Sinovac COVID-19 vaccine sa mahigpit na proseso ng regulasyon bago simulan ang vaccination rollout upang matiyak ang kaligtasan nito.

Idinepensa naman ni Senador Francis Pangilinan, isa sa kaalyado sa Liberal Party ni Robredo, ang Pangalawang Pangulo.

“Covid ang problema hindi si VP Leni. Sya nga ang walang pagod sa kakatulong at paghanap ng solusyon sa pesteng Covid. Tularan nalang kaya si VP, tutukan ang Covid ng hindi tayo kulelat sa buong Asia. Eye on the ball. Ang letrang V na dapat tinututukan ay ang Virus, hindi ang VP,” tweet ni Pangilinan, Peb. 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?