129

Dec 26, 2017 @ 14:05

Duterte kay Pulong: ‘Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo’

Bahala na umano si Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte na magdesisyon kung ano makakabuti sa kanyang kapalaran.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo nang hingan ng reakisyon kaugnay ng pagbitiw sa puwesto ni Pulong bilang bise alkalde ng nasabing lungsod.

“Well, sa kanya ‘yun. You… Hindi kita masagot. Hindi ako ‘yung nag-resign eh,” pahayag ni Duterte sa mga reportes matapos bisitahin ang pamilya ng mga biktima na nasunog na NCCC Mall.

Kinumpirma ng Pangulo na sinabihan diumano siya ng kanyang anak tungkol sa kanyang pagbibitiw sa isinagawang special session ng City Council noong araw ng Pasko.

“But nagtanong siya kagabi. Doon kami, nagkita-kita kami doon sa, ‘yung magkapatid, si Mayor [Sara Duterte] pati siya. Habang naghihintay kami ng balita, tinanong niya ako,” sabi ng Pangulo.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ikaw. You… you are in a position to do what is right. Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo…’ Sabi ko, ‘Well, let the people decide. But if you think that there is a better [way] to do it, do what is right.’ ‘Yun lang,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?