1,122

Duterte kay Pacquiao: Pag-isipang mabuti ang pagtakbo bilang pangulo

Pag-isipan munang mabuti ang planong pagtakbo bilang presidente sa taong 2022, hayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Manny Pacquiao.

Isa kasi si Manny sa mga bisita sa joint birthday celebration nina Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at kanyang asawa.

“Kayong mga pulitiko na isipin ninyo mabuti. Manny, I think Manny is entertaining, well it’s good… Pag trabaho wala ka talagang makuha kung ‘di pagod,” saad ng Pangulo.

“Were it not for the love of country, ‘yun lang talaga magsustain. Wala kang makuha dito sa trabaho na ito except work, work and work and work and work. And worry, worry, worry, and be under stress,” dagdag nito.

Inulit din ni Duterte ang pagtutol nito sakaling tumakbo sa pagkapangulo ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?