179

Dec 18, 2017 @ 11:02
By

Duterte kay Pacquiao: Gusto kitang gawing Presidente

Malayo pa ang eleksiyon subalit may personal choice na si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging kapalit nito pagkatapos ng kanyang termino sa katauhan ni Senador Manny Pacquiao.

Sa birthday message ng Pangulo kay Pacquiao matapos dumalo Linggo ng gabi sa selebrasyon nito sa General Santos City, sinabi nitong taglay ng senador ang mgs pamantayan ng isang lider na may kakayahang mamuno sa bansa.

Sa kabila aniya ng natamong tagumpay sa larangan ng boxing ng Senador, nanatili itong mapagpakumbaba at galit din sa korapsiyon.

“I am dedicating this message to Manny. You know why? Sabi ko sa kanya at one time, kami lang dalawa nag-uusap. “Yung style mo na yan gusto kita gawaing Presidente. Alam mo kaya mo,” ang pahayag ng Pangulo.

Bilang senador, sinabi ni Pangulong Duterte na naipakita ni Pacquiao ang tunay na kuwalipikasyon ng isang lider para sa isang mas mahusay na bansa.

“As a senator, you have demonstrated the qualities of a true leader–someone who believes that in order to make the Philippines a better country, we have to keep our people on top of our priorities. I am glad that you are with me in this misson,” ani Pangulong Duterte.

Kasabay nito, sinabi ng Presidente na ipagdarasal nito na bigyan ng magandang kalusugan si Pacquiao kasama ang buong pamilya para mapagsilbihan pa ang sambayananan.

“I pray for your good health and also for your family so that you will be able to serve the filipinos. Continue to inspire and uplift others as we lead them towards a more prosperous and comfortable life,” dagdag pa ng Presidente. (Aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?