281

By

Duterte kay Joma: Tuloy ang giyera!

Sharing is caring!

Walang pinanghinayangan si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging desisyon ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison na tuldukan ang pakikipag-usap pangkapayapaan sa kanyang administrasyon.

Sinabi ng Pangulo na walang problema sa kanya kung ayaw na ni Joma na makipag-usap sa gobyerno kayat tuloy aniya ang giyera laban sa mga rebelde.

Mahigit 50 taon na aniyang nakikipag-giyera ang pamahalaan laban sa mga rebelde at handa siyang dagdagan pa ito ng kahit 30 taon .

Nakikita naman aniya ng mga pilipino ang pagsisikap na ginagawa ng gobyerno para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa pero ipinapakita ng kampo ni Sison ang pagtatangka para agawin ang gobyerno.

“Oh di mas mabuti. Unsa man negotiate, ano ito negosyo? buang. Look, trabahante ho ako ng gobyerno and my main task is just to seek , to find the peace for my country. If they are not willing to talk to me that’s fine. Wala akong problema so we continue with the war, anyway we have been there for 50 years. Ano ba naman ang dagdagan natin ng another 30 years? So sige, basta alam ng pilipino na ganon ang nangyayari. If you want to cease, overthrow government, fine,” anang Pangulo.

Binalewala lamang ng Presidente ang pahayag ni Sison na makikipag-alyansa ito sa ibang grupo tulad ng oposisyon para mapatalsik ito sa puwesto.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kung sa grupo rin lang ni senadora Leila de Lima kakampi si Sison ay mas mabuting manood na lamang ito ng x-rated video.

“Sinong forces magsali sa kanya? si de Lima? naku Ginoo ko, manood na lang kayo ng x-rated diyan,’ dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?