27

Sep 8, 2021 @ 14:37
By

Duterte kay Gordon: Takot ka ma-audit kasi marami ka ng atraso!

Muling tinira ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Dick Gordon sa kanyang national address nitong Miyerkoles at sinabing takot ang Philippine Red Cross (PRC) na ma-audit ng Commission on Audit (COA) dahil sa mga kabulastugan niya.

“Itong sinabi ni Gordon na hindi siya pwede ma-audit is takot ka. Takot ka kasi alam mong marami ka nang atraso all throughout the years,” banat ni Duterte.

“I would like to lecture you publicly. Kung ang Red Cross ay tumatanggap ng pera mula sa gobyerno, you are subject to audit. We do not intervene except that we give money,” pagpapatuloy pa niya.

Dahil dito, nanghingi ng sagot ang Pangulo mula sa PRC chairman.

“Kailangan malaman namin kung ‘yung binigay namin sa iyo, nasaan na? I demand for an answer,” aniya.

Sinabi ng Pangulo ang pahayag habang umaarangkada ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee hinggil sa pagpakway ng pamahalaan ng pandemic supplies mula Pharmally Pharmaceutical Corporation na siyang pinatatakbo ng mga Tsekwa.

Napag-alaman kasi na overpriced umano ang mga sinuplay nitong medical goods sa bansa noong nakarang taon.

Maliban sa overpricing, nahaharap rin sa isyung may kinalaman sa tax laws ang naturang firm.

“Apart from the issue of overpricing, there could be violations of our tax laws by Pharmally. We should examine the potential tax liabilities of this dubious trading firm. Did Pharmally pay any percentage tax? Did it pay any excise tax and documentary stamp tax payments?” ani Senate Minority Leader Franklin Drilon sa hiwalay na pahayag.

Bukod sa PRC, si Gordon din ang nagsisilbing chairperson ng blue ribbon committe ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?