81

By

Duterte kay Go: Kung tatakbo ka, ngayon na

Sharing is caring!

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘wag nang magdalawang-isip ang kanyang special assistant na si Christopher ‘Bong’ Go sa pagtakbo sa Senado.

Sa naging presscon ni Duterte sa kanyang pagbabalik bansa mula Bali, Indonesia, sinabi nito na susuportahan niya si Go dahil kaibigan niya ang lolo ni Go na si yumaong Augusto Tesoro.

“Kasi sabi ko kung tatakbo ka, ngayon na. Do not go into that kind of substitute-substitute. Because mabasa ng tao ‘yan eh.,” pakli ni Duterte.

Naghahanap na rin umano si Duterte ng kapalit ni Go kahit na hindi pa ito pormal na naghahain ng kandidatura sa pagka-senador.

“Huwag mong kalimutan…I’m not campaigning…but he’s also due for replacement. Naghahanap nga ako, sa totoo lang. Naghahanap ako (ng kapalit),” anang Pangulo.

Hindi pa rin umano desidido si Go kung itutuloy ba ang kampanya para sa Senado. “I am really undecided yet,” ayon mismo kay Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?