58

May 5, 2020 @ 10:30
By

Duterte kay Duque: Ikaw ang batas sa COVID crisis!

Suportado pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque sa kabila ng mga kritisismo kaugnay sa mga ginagawa nitong hakbang para labanan ang coronavirus disease 2019.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na susunod ang gobyerno sa mga aksiyong gagawin ng tanggapan ni Duque laban sa COVID-19 crisis.

“Gusto ko lang malaman ng lahat na ang secretary ng Department of Health ay si Secretary Duque, and this government, my government, my department will be guided by what secretary Duque would tell us to do,” anang Pangulo.

Pinapakinggan aniya nito ang mga magkakasalungat na pahayag kaugnay sa COVID-19 subalit sa bandang huli ay si Duque pa rin ang magpapasya dahil mas higit na alam nito ang mga bagay na may kinalaman sa medisina at syensiya.

“I may listen to the conflicting claims but by the end,it is the Secretary of Health who decides. Your word is the law here, and I’m sure that you are helping,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na maraming magkakaibang opinyon ang mga eksperto, at sa mga panahong ito na mayroong krisis ay may mga sumasang-ayon at sumasalungat sa pananaw at opinyon, gaya ng nararanasan ngayon ni Duque.

“Itong mga medical people, you know you have your own opinion, your own view what is good and what is not. There are those who agree with you and those vehemently disagree with you,” wika pa ng Pangulo.

Matatandaang may ilang mga kilalang eksperto sa bansa ang pumupuna sa paraan ng paglalabas ng impormasyon ng DOH at pinagdududahan ang mga datos na iniaanunsiyo sa regular press briefing ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?