35

Jun 5, 2020 @ 10:42
By

Duterte kay Duque: Gumawa ng grupong tutulong sa mga COVID health worker

Pinabubuo ni Presidente Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III ng isang grupo na tututok sa pagtulong sa mga healthcare worker na yumao o tinamaan ng coronavirus disease 2019.

“Now, I’m asking Secretary Duque to form a new team that would focus on the immediate delivery of the assistance that should be given to those who died and became ill. And I expect it within 24 hours,” wika ni Duterte sa isang public address na inere ngayong Biyernes.

Naunang tinakda ng Pangulo sa Hunyo 9 ang deadline ng pagbibigay ng kompensasyon sa mga nabanggit na medical frontliner.

Matatandaang nalantad sa isang Senate hearing na sa 32 healthcare worker na pumanaw mula sa COVID-19 ang nakatanggap ng kabayaran na sinaad sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sa ilalim ng naturang batas, ang mga public at private health worker na nagkasakit dahil sa novel coronavirus ay makatatanggap ng kompensasyon na P100,000 bukod pa sa libreng pagpapaospital at paggamot nito.

Para naman sa mga namatay, ang kanilang benepisyaryo ay makakatanggap ng P1 milyon bilang kompensasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?