1,452

Apr 4, 2020 @ 0:52
By

Duterte kay Diokno: ‘Di ka nanalo kasi laki ngipin mo

Sa kanyang talumpati, galit na binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si human rights lawyer Chel Diokno.

Dahil umano ito sa paghihikayat ni Diokno para lumabag sa protocol na pinatutupad sa gitna ng community quarantine.

Una nang sinabi ng pangulo na hindi maaaring lumabas sa mga tahanan ngayong umiiral ang quarantine, gayundin ang pag-converge o pagtitipon ng grupo ng tao.

Hamon ng pangulo kay Diokno, “Subukan mong mag-converge converge. Constitutional right mo kaya ‘yan subukan mo, sumali ka. ‘Pag hindi ikaw ang pauna…Subukan natin, ‘di ka maaresto? Mag-imbita ka ng mga sampu. Punta kayo ng Luneta. ‘Pag ‘di ikaw ang una kong ikarga sa.”

Dagdag pa ng pangulo, hindi umano ito ang panahon para sa pamomolitika dahil sa krisis.

Nagbiro pa ang pangulo sa sinapit ni Diokno sa nakaraang halalan. Aniya, kaya hindi umano nanalo ang abogado, ay dahil sa malaki nitong ngipin.

“Alam mo bakit di ka nanalo? Kasi ang laki ng ngipin mo, kalahati ng panga mo lumalabas” biro ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?