199

By

Duterte kay Andanar: Disgrasya tayong lahat kung siya political adviser

Sharing is caring!

Wala pang tiyak na puwestong maibigay kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa sandaling lusawin ang tanggapan nito.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ngayon ay ikinukunsidera niya ang lahat at dapat ay nasa tabi lang si Andanar hanggat hindi naibabalik ang Office of the Press Secretary.

“Martin Andanar should be around. Siya — palit-palit sila, pero there must only be one Press Secretary. And historically, na ano lang. Ano talaga ‘yan. It was addressed as a Press office, Press Secretary,” anang Pangulo.

Tinanong ang Pangulo kung ibibigay kay Andanar ang puwestong iiwanan ni Presidential Adviser for Political Affairs Secretary Francis Tolentino at nagbiro itong malaking disgrasya kung ito ang sasalo sa puwesto.

“Disgrasya tayong lahat kung political adviser. Talo… tanungin mo nga kung nanalo ba siya ng eleksyon ni minsan? ‘Di… biro lang ‘yan. I’ll consider everybody,”dagdag ng Pangulo.

Naunang inihayag ng Presidente na gagawin niyang consultant si Andanar para tutukan ang pagapapalakas sa government television na PTV 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?