89
rodrigo-duterte
By

Duterte kay Alvarez: Hindi ako susunod sa diborsiyo

Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agam-agam kung ano ang posisyon nito sa divorce bill na nakasalang sa mababang kapulungan ng kongreso.

Sa kanyang talumpati sa Change of Command sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, harapang sinabi ng Pangulo kay House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi ito susunod sa diborsiyo dahil ayaw ng kanyang anak na si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio.

Hindi aniya masaya ang kanyang anak sa diborsiyo at pabirong sinabi na mag-usap na lamang sila ng kanyang anak na alkalde.

“House Speaker Pantaleon Alvarez , the exponent or the proponent of the divorce law. I am sorry but I cannot follow your… My daughter is not happy with that. [laughter] Really. She… mag-usap na lang kayo ni Sara, ” anang Pangulo.

Matatandaang magkagalit sina Mayor Sara at Alvarez at dinaan sa media ang kanilang “word war” dahil sa isyu pa rin ng pulitika.

Sa nabanggit ding okasyon ay dumalo si Vice-President Leni Robredo na binati sa talumpati ng Pangulo at binirong kapangalan ng magiting na babae ni Jose Rizal.

Dumalo rin sina dating Pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo at dating Pangulong Fidel Ramos na tinawag ng Pangulo na idol, mentor, critic at lahat-lahat na.

“I’d like to acknowledge the presence of Vice President Maria Leonor Robredo. You have the same name with Maria Leonor Rivera. She’s the heroine of Jose Rizal. Magandang pangalan ma’am; former Vice… former President, sorry. Gloria Macapagal Arroyo; former President, my idol, my mentor, my lahat, my critic, sali mo na lahat diyan, President Fidel V. Ramos,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?