325

Oct 28, 2019 @ 21:21
By

Duterte: Kasong administratibo vs Albayalde wala nang saysay

Interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na mahimay ang mga detalye kung paano “nasabit” si resigned Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde sa isyu ng “ninja cops”.

Sinabi ng Pangulo na hindi pa niya nababasa ang resulta ng imbestigasyon ng Senado pati na ang rekomendasyon laban kay Albayalde at sa mga dating tauhan nito na sangkot sa operasyon ng “ninja cops”.

Ayon sa Pangulo, sakali mang may pananagutang kriminal si Albayalde, bahala na aniya ang Ombudsman na gumawa ng aksiyon laban sa dating hepe.

“Ayaw kong magkaroon ng pre-conceived notions of what I was with you. Sabi ko I’ll wait for the recommendation but then again you can be very sure that I will go back to the meat, to the substance and what started, how did it start, what started the whole thing, who were responsible,” anang Pangulo.

Kaugnay naman sa kasong administratibo na posibleng kaharapin ni Albayalde, sinabi ni Pangulong Duterte na wala nang saysay ito dahil nag-resign na ang opisyal sa kanyang puwesto.

“Ang administrative is wala na kasi mag-retire na siya. Ito namang administrative ang pinakamabigat, the heaviest penalty there is you are separated from service. Wala na, it becomes a ‘feta compli’ because he’s retired. So criminal na lang, andiyan kay Ombudsman,” dagdag ng Pangulo.

Pero para sa mga inakusahang “ninja cops” na aktibo pa sa serbisyo, parehong mananagot sa kasong administratibo at kriminal sakaling mapatunayan lahat ang mga bintang laban sa mga ito.

“So itong mga policemen, the ninja and everybody else in government, you must deal first with the department where you belong. And I expect the department to impose administrative sanctions which include gross ignorance of the law kung… Then the administrative proceeding may mete out a punishment of separation. But for your criminal liability, it belongs now to the Ombudsman. So siya na ‘yan,” wika pa ng Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?