552

By

Duterte kasing lakas ng baka! – Zubiri

Sharing is caring!

Sumama si Senador Juan Miguel Zubiri sa gumagarantiya na walang malubhang karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos niyang makita at makausap nang personal ang pangulo sa Malacañang nitong Lunes ng gabi.

“The President is as strong as an ox,” bulalas ni Zubiri.

Kasama ni Zubiri na pumunta sa Malacañang sina Sen. JV EJercito, Sen. Cynthia Villar, Sen. Loren Legarda, Sen. Chiz Escudero, Sen. Richard Gordon, Sen. Cynthia Villar at Sen. Sherwin Gatchalian.

Napakasigla umano ng pangulo sa kwentuhan at halos walang tigil sa pagbibiro.

“He is in high spirits. He is happy yesterday, cracking a lot of jokes,” kuwento ni Zubiri.

Hindi naman umano nila diretsahang tinanong ang Pangulo ukol sa lagay ng kalusugan nito.

Si Special Assistant to the President Christopher Go ang nagsabi sa kanila na may polyp growth sa bituka ni Duterte pero hindi iyon malala at hindi rin umano kanser.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?