Duterte kasama sa ‘strongmen’ leaders sa TIME cover

Sharing is caring!

Napabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga “strongmen” leaders sa cover ng Time Magazine para sa May 14 international edition.

Ang cover story na isinulat ni Ian Bremmer ay tungkol world leaders na sina Russian President Vladimir Putin, Hungarian Prime Minister Viktor Orban, turkey President Recep Tayyip Erdogan at Duterte.

“In every region of the world, changing times have boosted public demand for more muscular, assertive leadership. These tough-talking populists promise to protect ‘us’ from ‘them.’ Depending on who’s talking, ‘them’ can mean the corrupt elite or the grasping poor; foreigners or members of racial, ethnic or religious minorities,” sabi sa artikulo.

“Or disloyal politicians, bureaucrats, bankers or judges. Or lying reporters. Out of this divide, a new archetype of leader has emerged. We’re now in the strongman era.”

Inilarawan si Duterte sa artikulo bilang isang dating mayor na naging Presidente na nangakong susugpuin niya ang kalakalan ng iligal an droga sa Pilipinas.

Nakasaad din doon na dinipensa ng Duterte administration ang kanilang anti-drug campaign at pinabulaanang sila ang nasa likod ng mga summary killings.

Mahigit 4,000 na ang namatay sa anti-drug operation, karamihan ay nanlaban diumano sa mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?